4.13.2007

grade-conscious mode.

matapos ang isang maikli at medyo 'light' [puro GEs na naman ako] na semester, lumabas na ang mga grado sa CRS [na sinusumpa ng mga isko na kukuha ng summer classes. isaksak niyo sa baga niyo ang RealTime enlistment].



nakakatuwa at nakadalawang 1 ako - sa prof na magaling at masaya at sa prof na kabaligtaran ng nabanggit. unang sabak sa major, sabog. sign ata na dapat talaga akong magshift-out. ang aga mag-release ng grade sa PE kahit hindi credited ang units. nagpay-off pala ang pagtyaga ko sa kanyang madugong side-comments habang sumasayaw. muntik nang maka-1 sa natirang subject. 0.5 na lang at hindi na 1.25 sa soc sci 2. pumalya naman ako sa finals ng math 1. ok lang basta makalipat ako para hindi siya ma-credit. haha.

sa totoo lang, may pakiramdam ako na kulang ang effort na binigay ko sa mga klase ko last sem. pero nangyari na ang nangyari, i'll just have to live with the fact that i should stop cramming ASAP.

hay. umandar na naman ka-GC-han ko. buti na lang at umalis na ko sa lebel ng ka-GC-han nung highschool na iiyakan ang mababang grade, hahanapan ng ipapa-correct na item sa quiz or exam [kahit na wala na talaga], at pagsumpa sa mga kaklaseng nakakuha ng mas mataas na grado kaysa sarili.